--Ads--

Pararangalan ang mga atletang sina Naomi Cesar at Pi Durden Wangkay sa 6th Siklab Youth Sports Awards ng Philippine Sports Commission sa Nobyembre 30 kasunod ng kanilang pagkamit ng silver at bronze medals sa Youth Olympic Games sa Senegal.

Nagtapos si Cesar na silver medalist sa women’s 800 meters habang bronze medal naman ang nasungkit ni Wangkay sa men’s 200 meters.

Kabilang sila sa 48 kabataang atletang pararangalan sa taunang paggawad ng parangal. Kabilang din sa mga kikilalanin ang 15-anyos na billiards champion na si Rhaki Constantino, gayundin ang mga atletang nagkamit ng medalya sa international competitions sa boxing, chess, jiu-jitsu, karate at iba pang sports.

Gaganapin ang awarding ceremony sa Nobyembre 30 sa Philippine Sports Commission House sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

--Ads--