--Ads--

Binigyang-diin ng nga awtoridad ang mahalagang papel ng publiko sa patuloy na kampanya laban sa kriminalidad kasunod ng sunod-sunod na pagka-aresto ng mga wanted person sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Avelino Canceran Jr., Chief of Police ng nasabing himpilan, malaking tulong ang pakikipagtulungan ng publiko sa mabilis na pag-aresto sa mga suspek at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Dagdag pa niya, ang mga nakamit na tagumpay ng kapulisan ay patunay na epektibo ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng mamamayan.

Patuloy rin ang kanilang panawagan sa publiko na huwag matakot makipag-ugnayan sa mga awtoridad at manatiling mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

--Ads--