--Ads--

Sugatan ang isang Pulis matapos masangkot sa isang vehicular accident habang patungo sa kanilang duty station.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, naganap ang insidente sa kahabaan ng barangay road na nasasakupan ng Purok 1, Labinab, Cauayan City, Isabela.

Ang biktima ay kasalukuyang nakatalaga sa Kasibu Municipal Police Station sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Batay sa insiyal na imbestigasyon, minamaneho ng naturang Pulis ang asul nitong motorsiklo nang bigla umanong may tumawid na aso sa kalsada dahilan upang siya’y mawalan ng kontrol.

--Ads--

Nagtamo ito ng iba’t ibang injury sa katawan.

Agad siyang dinala sa Souithern Isabela Medical Center sa Lungsod ng Santiago para malapatan ng lunas.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang mga awtoridad sa mga may alagang aso na tiyaking hindi ito pagala-gala sa mga lansangan lalo na sa gabi upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.