Inaasahang darating ngayong linggo ang dalawang shipment ng diesel na layong dagdagan ang suplay ng langis sa bansa, ayon sa Department of Energy (DOE).
Unang dumarating ngayong April 21 sa Subic Terminal ang 320,000 bariles ng diesel, kasunod ang 330,000 bariles sa Davao City sa April 24.
Kabuuang humigit-kumulang 600,000 bariles ang binili ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa ilalim ng Emergency Energy Security Program, na katumbas ng halos tatlong araw na konsumo ng bansa.
Ayon sa DOE, nasa 205,000 bariles ang arawang paggamit ng diesel sa Pilipinas.
Samantala, inaasahan din ang pagdating ng 21,000 metric tons ng LPG mula US na dadaan sa Singapore sa pagitan ng huling bahagi ng Mayo.
Sa ngayon, umaabot sa mahigit 52 araw ang kabuuang fuel inventory ng bansa, bahagyang mas mataas kumpara sa nakaraang linggo.







