--Ads--
Naglaan ang Department of Agriculture o DA ng P10.36 bilyon para sa modernisasyon ng rice processing facilities bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno na palakasin ang pagbili ng palay.
Ayon sa DA, gagamitin ang pondo sa pagtatayo ng 36 modern facilities at rehabilitation ng 128 warehouses, kung saan 100 na ang naayos.
Samantala, nakakuha rin ang National Food Authority o NFA ng ¥1.7 bilyong grant para sa NFA Cauayan Rice Processing project.
Mula Enero hanggang Setyembre, nakabili ang NFA ng mahigit 92,000 metric tons ng palay sa halagang P27 hanggang P30 kada kilo.
--Ads--
Sa kabila ng mga hakbang na ito, inaasahang bababa ng 15% ang produksyon ng palay sa ikatlong quarter ng 2026, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.











