--Ads--
Isang panalo na lang ang kailangan ng Creamline para muling masungkit ang kampeonato matapos talunin ang Cignal Super Spikers sa Game One ng 2026 PVL All-Filipino Conference Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Nanguna si Jema Galanza na may 17 puntos at 13 receptions para ibigay ang 1-0 lead sa best-of-three series at ilapit ang Creamline sa ika-11 PVL title. Nag-ambag si Bernadeth Pons ng 11 puntos habang si Jia De Guzman ay may 22 excellent sets.
Maaari nang tapusin ng Cool Smashers ang serye sa Game Two bukas kung muling matatalo ang Cignal, na binubuhat nina Vanie Gandler at Erika Santos.
Sa labanan para sa bronze medal, nanalo ang PLDT kontra Farm Fresh sa limang set, sa pangunguna ni Savi Davison na may 33 puntos.
--Ads--










