--Ads--
Pinahintulutan ng Office of the President ang pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte sa limang bansa sa gitna ng patuloy na impeachment proceedings laban sa kanya.
Ayon sa dokumentong pirmado ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, pinayagan ang Bise Presidente na bumiyahe sa Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom mula Abril 23 hanggang Mayo 15 habang naka-leave of absence at walang gastusin sa pamahalaan.
Kinumpirma rin ng opisyal na mismong humiling si Duterte ng travel authority para sa nasabing biyahe.
Samantala, hindi dumalo ang Bise Presidente sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Miyerkules (April 22) kaugnay ng mga impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.
--Ads--











