Isa sa bawat dalawang Pilipino ang nakaranas ng mas mababang kalidad ng buhay sa nakalipas na taon, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Ito na ang pinakamataas mula noong 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
50% ng mga respondent ang nagpahayag na lumala ang kalidad ng buhay kumpara noong nakaraang taon.
23% ang gumanda ang buhay, bumaba mula 29% noong Nobyembre 2025.
Habang 26% ang nanatiling pareho, mula 34% dati.
Dahil dito, bumagsak ang “net gainers” score sa -26, mula -7 noong Nobyembre.
Ang score na ito ay ang diperensya ng porsyento ng nagsabing gumanda ang buhay laban sa nagsabing lumala. Ang resulta ay pinakamababa sa loob ng apat na taon, mula sa “extremely low” na -44 noong Setyembre 2021.
Naitala ang pagbagsak sa Metro Manila na may -31 mula sa dating -12
Mindanao na may -31 mula sa dating +2
Visayas na may -25 mula sa dating -14
At ilang bahagi ng Luzon na may -23 mula sa dating -7
Bumaba rin ang score sa parehong urban at rural areas, at sa lahat ng edad at antas ng edukasyon.










