--Ads--

Mas dumami ang mga Pilipinong naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS noong Hunyo 20 hanggang 29, 2026.

Sa 1,200 adult respondents, 33 porsyento ang umaasang gaganda ang ekonomiya, habang 24 porsyento naman ang nagsabing lalala ito. Samantala, 32 porsyento ang naniniwalang mananatili sa kasalukuyang kalagayan ang ekonomiya at 11 porsyento ang hindi nakasagot.

Dahil dito, umakyat sa plus 10 puntos ang net economic optimism ng bansa mula minus 14 puntos noong Marso. Itinuturing itong fair level o nasa pagitan ng plus 10 at plus 19.

Matapos bumaba sa low territory ang economic optimism noong Marso 2026, muling tumaas ito sa fair level nitong Hunyo.

--Ads--

Naitala rin ang pagtaas ng optimism sa lahat ng education groups, pinakamataas sa mga walang pormal na edukasyon o hindi nakapagtapos ng elementarya, habang pinakamababa naman sa mga college at post-graduate degree holders.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.