--Ads--
Kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026, 50% ng mga respondent ang nagsabing bumaba ang kanilang quality of life. Samantala, 23% ang nagsabing gumanda ito, habang 26% naman ang nagsabing nanatili itong pareho.
Dahil dito, bumaba sa -26 ang Net Gainers score, na batay sa diperensya ng mga nagsabing gumanda at lumala ang kanilang sitwasyon. Mas mababa ito kumpara sa -7 na naitala noong Nobyembre 2025.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents sa buong bansa, na may ±3% margin of error para sa national estimates.
--Ads--











