--Ads--

Isang akusado sa kasong carnapping ang tuluyang nasakote ng mga awtoridad sa lalawigan ng Isabela sa isinagawang pinaigting na manhunt operation, bilang bahagi ng walang humpay na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad.


Bandang alas-5:30 ng hapon ngayong Abril 24, 2026, nadakip si alyas Lito, 40 taong gulang, isang helper at residente ng Brgy. Kalabaza, Aurora, Isabela sa Brgy. District 1, Reina Mercedes, Isabela.

Ang operasyon ay matagumpay na isinagawa sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Reina Mercedes Municipal Police Station (MPS) bilang lead unit, katuwang ang Police Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (PIU-IPPO) at Regional Intelligence Unit 2 (RIU2) CIT Santiago.


Ang pag-aresto ay alinsunod sa Warrant of Arrest na inilabas noong Agosto 5, 2025 ng Regional Trial Court (RTC), Branch 23, Roxas, Isabela, kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016. Nakasaad sa nasabing kautusan ang piyansang nagkakahalaga ng Php300,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

--Ads--


Matapos ang pag-aresto, ang akusado ay dinala sa kustodiya ng Reina Mercedes MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ang kanyang pormal na turn-over sa hukuman na naglabas ng nasabing warrant.