--Ads--

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas nang nakalabas sa Persian Gulf ang nasa 1,100 Pilipinong tripulante.

Ito ay kasunod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan na nagsimula noong Pebrero 28.

Ayon kay Hans Leo Cacdac, malaking bahagi ng mga nailikas na seafarers ay mula sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz, kabilang ang limang cruise ships na may sakay na humigit-kumulang 800 Pilipino.

Bilang pag-iingat, nagpatupad ng mga hakbang ang mga barko tulad ng pagbabago ng ruta at paglayo sa mga high-risk na lugar.

--Ads--

Patuloy namang mino-monitor ng DMW ang galaw ng mga barko sa pamamagitan ng marine traffic systems, habang nakikipag-ugnayan sa mga manning agency at shipowners upang matiyak ang kaligtasan ng mga tripulante.

Tiniyak din ng ahensya na bukas ang kanilang linya ng komunikasyon para sa mga apektadong seafarers at kanilang mga pamilya.