--Ads--

Nagpamalas ng bagong world record ang Filipino weightlifter na si Albert Ian Delos Santos matapos buhatin ang 187kg sa clean and jerk.

Nasungkit ni Delos Santos ang gintong medalya sa men’s 71kg division ng IWF World Junior Championships na ginanap sa Ismailia, Egypt.

Matatandaang noong Disyembre 2025, naitala rin niya ang dating junior world record sa clean and jerk na 185kg, kung saan nakakuha siya ng silver medal sa 71kg event ng Southeast Asian Games.