--Ads--

Umaasa si Vice President Sara Duterte na magiging tapat, maayos, at mapayapa ang gaganaping presidential elections sa 2028.

Sa isang panayam sa kanya sa The Hague, Netherlands, sinabi ni VP Sara na itinuturing na siyang “presumptive candidate” matapos niyang ideklara ang intensiyong tumakbo sa susunod na halalan.

Kasunod nito, nagbigay ng reaksyon ang Malacañang sa pamamagitan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, na nagsabing kapansin-pansin umano ang kasabikan ni Sara Duterte na pag-usapan ang halalan sa 2028.

Ayon kay Castro, habang abala ang Bise Presidente sa usapin ng eleksyon, nakatuon naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtugon sa mga isyu ng bansa, kabilang ang krisis sa Middle East.

--Ads--

Kasalukuyang nasa The Hague si VP Sara upang bisitahin ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.