--Ads--

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na hindi siya nababahala kung mananatili man siya sa posisyon bilang Bise Presidente o hindi.

Sinabi ni VP Sara na patuloy pa rin siyang makakatulong sa mga Pilipino kahit wala siya sa pamahalaan.

Matatandaan na nauna siyang nagsilbing alkalde ng Davao City mula 2016 hanggang 2022. Noong 2021, naghain siya ng kandidatura para sa muling pagtakbo ngunit kalaunan ay umatras at bumuo ng UniTeam alliance kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naging daan para magwagi noong 2022 elections.

Samantala, nitong Pebrero ay inanunsyo ni VP Sara ang kanyang planong tumakbo bilang presidente sa 2028 national elections, kasabay ng pag-usad ng mga bagong reklamong impeachment laban sa kanya sa House of Representatives.

--Ads--

Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, hindi bababa sa 215 mambabatas ang nagpahayag ng suporta sa impeachment laban sa bise presidente, kapareho ng bilang noong nakaraang taon.

Kinakailangan lamang ng 106 boto upang maisampa ang kaso sa Senado, na siyang gaganap bilang impeachment court.