Isang circus performer ang nagpakita ng pambihirang lakas ng kanyang anit matapos buhatin ang 166.11-pound na timbang gamit lamang ang kanyang buhok.
Si Diana Elizabeth Batres Hermosillo, na may 26 na taong karanasan sa pagtatanghal ng circus feats, ay nagtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamabigat na timbang na nabuhat gamit ang buhok (female) sa Le Paz Theatre sa San Luis, Potosi noong Pebrero 28.
Ginamit ni Hermosillo ang kanyang mahabang buhok na tinirintas sa dalawang bahagi, pinagtali ang mga dulo, at itinali sa mabigat na timbang. Naibuhat niya ito nang hindi sumasayad sa lupa sa loob ng 14 na segundo.
Natalo niya ang dating record holder na si Asha Rani mula India, na nakabuhat ng 122.58 pounds gamit ang buhok noong 2014.
Ayon kay Hermosillo, anim na buwan siyang nagsanay upang kayanin ang matinding presyon sa kanyang anit, leeg, at likod bago maisakatuparan ang rekord.











