--Ads--

Maglalaan ang Asian Development Bank ng $30 bilyon hanggang 2030 upang suportahan ang Association of Southeast Asian Nations sa pangmatagalang kaunlaran at pagharap sa economic shocks.

Inanunsyo ni ADB president Masato Kanda ang commitment sa ika-48 ASEAN Summit sa Cebu sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa ADB, gagamitin ang pondo para sa limang pangunahing regional initiatives, kabilang ang $6 bilyon para sa regional capital markets at $5 bilyon para sa ASEAN Power Grid.