--Ads--

Ibinaba ng Asian Development Bank o ADB ang growth forecast nito para sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2026, dahil sa epekto ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon sa ADB, inaasahang lalago ng 3.3% ang Philippine economy ngayong taon, mas mababa sa dating 3.8% forecast noong Hulyo. Ibinaba rin nito sa 5.1% mula 5.3% ang growth forecast para sa 2027.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan ang pagtaas ng presyo ng imported fuel at agricultural inputs tulad ng fertilizer, na nakaaapekto sa investments at production costs.

Gayunman, inaasahan ng ADB na bibilis muli ang paglago sa susunod na taon dahil sa pagbangon ng private investment, patuloy na government spending at aktibidad sa industriya at services.

--Ads--