--Ads--

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-170 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan, binigyang-pugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) ang mga Most Outstanding Isabeleños sa iba’t ibang larangan ngayong araw.

Ang parangal ay pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga indibidwal na ito sa pag-unlad ng probinsya. Kabilang sa mga tumanggap ng prestihiyosong award ay sina:

Mga Kinilala sa Kanilang Larangan ng Agrikultura si Ginoong Arnel R. Santiago ng San Mateo, Isabela, sa Edukasyon si Engr. Alfonso R. Simonng Lungsod ng Ilagan, Pamilya ang Pamilya Capuchino ng Bayan ng Naguilian, sa Entrepreneurship si Jose Avelino C. Diaz ng Lungsod ng Ilagan, sa Law Enforcement: PTCOL Ernesto DC Nebalasca Jr. ng Lungsod ng Ilagan, sa Media si Dr. Cecilia La Madrid-Dy ng Lungsod ng Cauayan, sa Kultura at Sining si Louie C. Simbi ng Echague, Isabela, sa Serbisyo Publiko si Usec. David L. Almirol Jr. ng Lungsod ng Cauayan at sa Agham at Teknolohiya si Engr. Orlando F. Balderama ng Echague, Isabela.

Binigyang-diin din ang galing ng kabataan sa pamamagitan ng Young Achiever awards na iginawad kina Isidro Carmelo L. Siquian ng Benito Soliven, Isabela at Kail Emirence P. Ducay ng Luna, Isabela.

--Ads--


Sa mensahe ni Vice Governor Kiko A. Dy, na kumatawan kay House Speaker Bojie G. Dy, ipinahayag niya na ang selebrasyon ay hindi lamang tungkol sa kasaysayan ng probinsya.

“Ang pagdiriwang na ito ay pagkilala sa 170 taon ng buhay, pangarap, sakripisyo, at pag-asa ng mga Isabeleño. Kayo ang tunay na lakas ng Isabela,” aniya.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga awardees kina Gobernador Rodito T. Albano, Bise Gobernador Dy, at sa buong Sangguniang Panlalawigan.

Ayon sa mga pinarangalan, ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pagseserbisyo at pag-ambag sa kani-kanilang mga larangan.

Source: Isabela PIO