--Ads--

Nagbigay ng paalala ang  Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1  sa mga member consumer na nagnanais mapabilang sa Lifeline Rate Subsidy upang mas mapadali ang kanilang aplikasyon at pag-avail ng benepisyo sa kuryente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Mark Bernabe, head ng billing section ng ISELCO 1, sinabi nito na kinakailangan munang magtungo ang mga kwalipikadong konsumer sa tanggapan ng DSWD upang ipa-update ang kanilang pangalan sa mga listahan ng benepisyaryo.

Aniya, mahalagang nakalista ang at updated ang rekord ng aplikante sa naturang ahensya upang maging basehan sa pag-qualify sa Lifeline Rate Subsidy na inilaan para sa mga low income consumers.

Kapag na-update na ang kanilang impormasyon sa DSWD ay maaari na silang masama sa mga benepisyaryo ng naturang programa.

--Ads--