--Ads--

Muling ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Yellow Alert ang Visayas grid mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ngayong Miyerkules, Mayo 13, 2026.

Ayon sa NGCP, nasa 2,580 megawatts (MW) ang available capacity habang umaabot sa 2,423 MW ang peak demand sa kuryente.

Isa sa mga dahilan ng alerto ang forced outages ng ilang coal-fired power plants gaya ng TVI Units 1 at 2 at PEDC Unit 3, kasabay ng tumataas na demand dahil sa mainit na panahon.

Nasa kabuuang 857.2 MW din ang hindi magagamit na kapasidad dahil sa outages at derated operations sa ilang planta sa Visayas grid.

--Ads--

Ang Yellow Alert ay indikasyon ng manipis na reserba ng kuryente at posibleng pagnipis pa ng suplay sakaling magkaroon ng aberya sa planta o transmission line.