Kinumusta nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Defense Secretary Gilbert Teodoro ang kalagayan ng mga Senador matapos ang napaulat na putukan sa loob ng Senate complex, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano sa kaniyang live video sa social media.
Sinabi ni Cayetano na ligtas ang lahat ng senador.
Tiniyak din umano ng Pangulo at ni Teodoro na walang kinalaman ang puwersa ng gobyerno sa insidente ng pamamaril.
Ayon pa kay Cayetano, karamihan sa mga majority senator ay kasama niya sa iisang ligtas na lokasyon.
Ligtas din umano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na nananatili sa loob ng Senate complex, at inaasahang makakausap si Interior Secretary Jonvic Remulla.
Nanawagan din si Cayetano sa sinumang may impormasyon hinggil sa insidente na lumantad at makipagtulungan sa imbestigasyon.











