--Ads--

Inanunsyo ng Massachusetts Port Authority (Massport) na ipagdiriwang nila ang FIFA World Cup 2026 sa pamamagitan ng pagtatayo ng pinakamalaking soccer ball sa mundo.

Ang bola ay may 45 talampakang diameter, mas malaki kaysa sa dating rekord ng Doha Bank sa Qatar noong 2013 na may sukat na 39 talampakan at 11.8 pulgada.

Itatayo ito sa Piers Park II, East Boston mula Hunyo 12–18.

Magkakaroon ng Community Day sa Hunyo 13 para sa mga residente at bisita.

--Ads--

Ang pagtatayo ng higanteng bola ay bahagi ng selebrasyon ng mga laro ng World Cup na gaganapin sa Boston Stadium sa Foxborough ngayong Hunyo at Hulyo.

Dagdag pa niya, ang iconic na display ay magbibigay sa publiko ng pagkakataong magsama-sama, masilayan ang waterfront at skyline ng East Boston, at maramdaman ang kasiyahan ng World Cup.