--Ads--

Naglabas ng rekomendasyon ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na gumamit ng iba’t ibang makabagong pamamaraan sa pagsasaka kasunod ng posibleng pagbuo ng El Niño mula Hunyo hanggang Agosto.

Ayon sa DA, bahagi ng paghahanda ang paggamit ng drought-tolerant na binhi, pagtatanim ng mga pananim na mabilis anihin o short-gestation crops, at mga teknik na nakakatipid sa tubig tulad ng rainwater harvesting.

Layunin ng mga hakbang na ito na mabawasan ang magiging epekto ng El Niño phenomenon, na batay sa pagtaya ng PAGASA ay may 79% tsansang maramdaman sa nabanggit na panahon.

Inaasahan din na posibleng tumagal ang epekto ng El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027.

--Ads--

Samantala, pinapayuhan din ang mga mangingisda na masusing bantayan ang kalidad ng tubig at kalagayan ng mga palaisdaan upang maiwasan ang pagkalugi sa kanilang hanapbuhay.