Isang anonymous na bidder ang nagbayad ng mahigit $9.9 milyon (humigit-kumulang $9.9M) para makasama sa isang private lunch sina NBA star Stephen Curry at billionaire investor Warren Buffett sa Omaha, Nebraska.
Ang naturang auction ay isinagawa sa eBay at layuning muling buhayin ang charity fundraising tradition ni Buffett na nakapagtaas na ng $53 milyon para sa GLIDE Foundation na tumutulong sa mga homeless sa San Francisco.
Ayon sa ulat, ang nalikom mula sa auction ay mapupunta rin sa Eat.Learn.Play. Foundation na itinatag ni Curry at ng kanyang asawang si Ayesha.
Aabot sa $9,000,100 ang nanalong bid para sa isang private lunch kasama sina Buffett at ang pamilya Curry sa susunod na buwan.
Sinabi ng Currys na lubos silang nagpapasalamat sa pagkakataong ito, na anila ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang henerasyon para makatulong sa mga nangangailangan.
Matagal nang isinasagawa ni Buffett ang ganitong charity lunch auctions mula taong 2000, at mula 2008 ay palaging umaabot sa mahigit $1 milyon ang winning bids, bago ito pansamantalang itinigil noong 2022 matapos umabot sa $19 milyon ang isang bid.
Muling inorganisa ang auction ngayong taon matapos imbitahan ni Buffett ang pamilya Curry na sumali sa fundraising event.







