--Ads--

Inilabas ng International Criminal Court (ICC) ang agenda para sa isasagawang status conference kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sa Mayo 27.

Ayon sa ICC, nakatuon ang pagpupulong sa mga paghahanda para sa nalalapit na paglilitis sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa dating pangulo.

Kabilang sa mga tatalakayin ang posibleng petsa ng pagsisimula ng trial, bilang ng mga testigo at ebidensiyang ipiprisinta, mga expert witness, witness protection measures, disclosure obligations, at posibleng karagdagang insidente na maaaring isama ng mga prosecutor sa kaso.

Nagtakda rin ng iskedyul ang Trial Chamber para talakayin ang mga napagkasunduang facts, kinakailangang interpretasyon at pagsasalin, partisipasyon ng mga biktima, at mga mosyon na kailangang resolbahin bago ang aktuwal na paglilitis.

--Ads--

Isasapubliko ang unang status conference, ngunit ayon sa mga hukom, maaaring isagawa sa pribado ang ilang bahagi nito kung kinakailangan, lalo na kung may sensitibong usapin na may kinalaman sa seguridad ng mga testigo.