--Ads--

Bahagyang lumakas ang Bagyong Domeng habang kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa Philippine Sea.

Batay sa huling ulat ng PAGASA nitong alas-10 ng umaga, ang sentro ng bagyo ay nasa 1,265 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 105 kilometro bawat oras.

Bagamat walang nakataas na wind signal at mababa ang tsansa nitong mag-landfall sa bansa, maaari nitong palakasin ang hanging Habagat.

Inaasahang magdadala ito ng malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas simula sa Linggo, Mayo 31.

--Ads--

Magdudulot din ang Habagat ng malalakas na pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Visayas, gayundin sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao simula bukas.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Lunes, Hunyo 1, matapos posibleng maging isang ganap na typhoon bukas habang nasa karagatan.