--Ads--

Pasok na sa NBA Finals ang San Antonio Spurs matapos nitong talunin ang Oklahoma City Thunder sa Game 7 ng Western Conference Finals sa iskor na 111-103.

Sa naging dikdikang laban, nagawang pigilan ng Spurs ang pagtatangkang makabalik ng Thunder upang makumpleto ang serye at makuha ang kampeonato ng Western Conference. Dahil sa panalo, umabante ang San Antonio sa NBA Finals sa unang pagkakataon mula pa noong 2014.

Matatandaang nagkaroon ng matinding bakbakan ang dalawang koponan sa pitong laro ng serye. Nakuha ng Spurs ang Game 1, 118-111 sa double overtime bago gumanti ang Thunder sa Game 2, 122-113. Nasundan pa ito ng panalo ng Oklahoma City sa Game 3, 123-108 upang maagaw ang lamang sa serye, 2-1.

Gayunman, bumawi ang San Antonio sa Game 4 sa pamamagitan ng 103-82 panalo upang maitabla ang serye. Muling umabante ang Thunder matapos ang 127-114 panalo sa Game 5 at umangat sa 3-2 na bentahe. Ngunit hindi sumuko ang Spurs at dinomina ang Game 6, 118-91, upang maitulak ang serye sa do-or-die na Game 7.

--Ads--

Sa huling laban, pinangunahan ni Victor Wembanyama ang San Antonio sa kanilang tagumpay habang hindi sapat ang ipinakitang laro ni Shai Gilgeous-Alexander para mailigtas ang Thunder sa pagkakatalsik.

Makakaharap ngayon ng Spurs ang New York Knicks sa 2026 NBA Finals matapos makumpleto ang kanilang matagumpay na paglusot sa Western Conference playoffs.