--Ads--
Kinuwestiyon ng ilang senador ang kaugnayan ng mga video na ipinakita ng depensa ni Vice President Sara Duterte sa ika-44 na araw ng impeachment trial nitong Huwebes.
Kabilang sa mga ipinakitang video ang pahayag nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, yumaong Senator Miriam Defensor-Santiago at dating Chief Justice Renato Corona kaugnay ng mga nakaraang impeachment proceeding.
Ilang senador, kabilang sina Erwin Tulfo at Panfilo Lacson, ang nagpahayag na hindi malinaw ang kaugnayan ng mga video sa kasalukuyang kaso.
Samantala, iginiit ni Senator-judge Risa Hontiveros na hindi patas ang pagpapalabas ng mga pahayag ng mga personalidad na hindi na maaaring humarap at sumagot sa mga tanong ng impeachment court.
--Ads--











