--Ads--
Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na bahagi lamang ng standard legal procedure ang posibleng pag-isyu ng subpoena laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa at sa kanyang asawa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang pagpapadala ng subpoena ay paraan upang makakuha ng mahalagang impormasyon ukol sa kasong iniimbestigahan at hindi nangangahulugang guilty na agad ang isang tao.
Ginawa ni Matibag ang paglilinaw matapos kuwestiyunin ni Dela Rosa ang hakbang ng ahensya, kung saan binigyang-diin ng senador na hindi makatwirang madamay ang kanyang pamilya sa imbestigasyon.
Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon ang NBI kung pormal na itong ipatutupad.
--Ads--











