--Ads--
Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na handa na ang Senate Blue Ribbon Committee na ituloy ang imbestigasyon hinggil sa flood control scandal bukas, araw ng Huwebes, Hunyo 4.
Nakatakda rin ang isa pang pagdinig sa Biyernes upang siyasatin ang naganap na pamamaril sa Senado noong Mayo 13.
Kaugnay nito, humingi ng panalangin ang pinuno ng Senado upang matuloy at maging matagumpay ang dalawang mahalagang hearing na ito.
Sa kabila nito, inamin din ni Cayetano na handa siyang bumaba sa pwesto kung sakaling magpasya ang sapat na bilang ng mga senador na palitan siya.
--Ads--
Ayon sa kanya, kapag nakakuha ng labintatlong boto ang nagnanais na pumalit sa kanya ay awtomatiko niyang ibibigay ang pwesto nang hindi na kailangan pang mag-resign.











