--Ads--

Nagpalabas ng abiso si Senate President Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian na work-from-home (WFH) muna ang mga kawani ng Senado sa Huwebes, Hunyo 4, 2026, dahil sa mga kamakailang kaganapan sa Mataas na Kapulungan na nakaapekto umano sa operasyon at morale ng mga empleyado.

Ayon sa Senate advisory, layunin ng hakbang na mapanatili ang neutralidad ng burukrasya ng Senado. Tiniyak din na ang WFH arrangement ay hindi ituturing na insubordination, AWOL, o anumang paglabag.

Samantala, nauna rito ay nagpalabas si Senador Alan Peter Cayetano ng memorandum na kumikilala sa kanyang patuloy na pag-angkin sa liderato ng Senado at iginiit na tuloy ang lahat ng nakatakdang pagdinig sa Hunyo 4, kabilang ang Blue Ribbon Committee hearing.

Ayon kay Cayetano, mananatiling bukas ang Senado at may awtoridad siya sa mga pasilidad nito alinsunod sa 1987 Konstitusyon. Binalaan din niya na hindi dapat “padlock” ang Senado at planong pumunta sa gusali bago mag-10 ng umaga upang tiyakin ang pagbubukas ng session hall para sa pagdinig.

--Ads--

Sa gitna nito, sinabi ni Gatchalian na ang desisyon na huwag magdaos ng official business ay kaugnay ng pagbabago sa liderato at reorganisasyon ng mga komite sa Senado, kung saan naiulat na si Sen. Erwin