--Ads--

Pormal na kinilala ng Senado ang P-pop group na SB19 dahil sa kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Lollapalooza Music Festival sa Chicago, Illinois sa Estados Unidos.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 545, nagkaisang pinagtibay ng Senado ang pagbati at pagkilala sa SB19 bilang kauna-unahang Filipino act na nakapag-perform sa prestihiyosong music festival.

Kinilala rin ng Senado ang kontribusyon ng grupo sa pagpapalawak ng impluwensya ng OPM at sa paglago ng creative industry ng bansa.

Personal na tinanggap nina Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Stellvester Ajero, Felip “Ken” Suso at Justin de Dios ang resolusyon sa Senado.

--Ads--

Matatandaang mula nang mag-debut noong 2018, nakatanggap na ang SB19 ng iba’t ibang lokal at internasyonal na parangal at kinilalang youth ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts noong 2021.