--Ads--

Lumapag na sa North Korea si Chinese Leader Xi Jinping para sa kaniyang kauna-unahang opisyal na pagbisita sa bansa simula noong 2019.

Ang biyaheng ito ay kasunod ng kaniyang hiwalay na pakikipagpulong kina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Beijing.

Inaasahang tatalakayin nina Xi at North Korean Leader Kim Jong Un ang mga isyu ukol sa denuclearization, ugnayan sa United States, at ang hidwaan sa pagitan ng North at South Korea.

Bago ang pagbisitang ito, nagtungo na sa Pyongyang noong Abril ang top diplomat ng China na si Wang Yi, kung saan nagpahayag si Kim ng kahandaang palakasin ang komunikasyon sa Beijing.

--Ads--

Layunin ng hakbang na ito ng China na muling itatag ang impluwensya nito sa North Korea isang estratehiko ngunit hindi maprediktang kaalyado na mas lalong napapalapit ngayon sa Russia.