--Ads--

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 1,055 aftershocks ang naitala hanggang alas-7 ng umaga nitong Martes matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao.

Ayon sa PHIVOLCS, 301 sa mga aftershocks ang natukoy ang lokasyon, habang 21 dito ay naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar. Ang lakas ng mga pagyanig ay mula magnitude 1.3 hanggang 6.7.

Naglabas din ang ahensya ng earthquake map batay sa datos mula sa General Santos Seismic Station (GSP) at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental.

Samantala, ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi mula sa lindol na tumama sa karagatang bahagi ng Sarangani nitong Lunes.

--Ads--

Patuloy pa rin ang search, rescue, at retrieval operations sa mga apektadong lugar.

Batay sa paunang datos, tinatayang 17,689 pamilya o 77,186 katao ang naapektuhan ng malakas na lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.