--Ads--

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na sa Mindanao huling natukoy ang lokasyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kasabay ng pagtanggi sa mga ulat na naaresto na ito kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Remulla, beripikado na ng mga awtoridad ang mga kumakalat na ulat ngunit wala silang nakitang ebidensyang nagpapatunay na nahuli o naaresto na ang senador.

Tiniyak din ng kalihim na susundin ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang legal na proseso, kabilang ang booking procedures at pagharap sa lokal na hukuman, bago maisailalim si Dela Rosa sa anumang extradition proceedings.

Matatandaang hindi na muling nakita sa publiko si Dela Rosa matapos umalis sa Senado sa Pasay City kasunod ng insidente ng pamamaril noong Mayo.

--Ads--

Sa kasalukuyan, may nakabinbing arrest warrant si Dela Rosa mula sa ICC bilang isa sa mga umano’y co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay na iniuugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.