--Ads--

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kaugnay ng kasong acts of lasciviousness sa isinagawang operasyon sa  Barangay Batal, Santiago City.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code.

Isinagawa ang pagsuko sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Hunyo 4, 2026 ng Regional Trial Court sa Ramon, San Isidro, Isabela. Nakasaad sa kautusan ang piyansang nagkakahalaga ng P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos ang kanyang pagsuko, agad na ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago isinailalim sa kaukulang custodial at dokumentaryong proseso.

--Ads--

Kasalukuyang nakasailalim sa kustodiya ng Police Station 4 ang akusado habang hinihintay ang pagsasakatuparan ng iba pang kaugnay na legal na proseso para sa kanyang pagharap sa hukuman.