--Ads--

Dumating sa General Santos City si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang personal na inspeksyunin ang mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 7.8 na lindol at tiyakin ang mabilis na pag-abot ng tulong sa mga biktima.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang St. Elizabeth Hospital sa Santiago Boulevard upang alamin ang kalagayan ng mga pasyente at ang kondisyon ng mga pasilidad na naapektuhan ng pagyanig.

Pagkatapos nito, nagtungo siya sa General Santos City Oval Plaza kung saan isinasagawa ang pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan.

Kabilang din sa mga ininspeksiyon ng pangulo ang Romana Acharon Central Elementary School sa Purok Cahilsot Village at ang General Santos National High School sa Barangay Calumpang upang masuri ang pinsala sa mga paaralan.

--Ads--

Layunin ng pagbisita ng Pangulo na matiyak ang agarang rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad at tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong at serbisyo ng gobyerno.