--Ads--
Darating sa Pilipinas si German President Frank-Walter Steinmeier para sa isang official state visit sa Hunyo 15–16, 2026.
Personal siyang tatanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang upang pag-usapan ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Federal Republic of Germany.
Inaasahang tatalakayin sa kanilang pagpupulong ang kooperasyon sa ekonomiya, kalakalan, at pamumuhunan, gayundin ang mga isyung may kaugnayan sa climate change at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, partikular na ang mga nasa sektor ng kalusugan sa Germany.
Layunin ng naturang pagbisita na mas palalimin pa ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansa, kasunod ng naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Berlin noong 2024.
--Ads--











