--Ads--

Dumating na sa Pilipinas si Vietnamese President Tô Lâm para sa dalawang araw na state visit.

Sinalubong ang Vietnamese president ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Villamor Airbase pasado ala-una ng hapon, ngayong araw, Mayo 31.

Ang state visit ay isinagawa sa paanyaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Nakatakdang magpulong sa Malacañang sina Pangulong Marcos Jr. at President Tô Lâm sa Lunes para sa isang bilateral meeting.

--Ads--

Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang mga usapin sa kalakalan at pamumuhunan, seguridad sa pagkain, defense at maritime cooperation, at iba pang mahahalagang isyu sa rehiyon.