--Ads--

Natapos na ang kampanya ng Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala sa HSBC Championships matapos siyang matalo sa Round of 16.

Natalo si Eala kay Iva Jovic sa iskor na 6-2, 6-2 sa laban na tumagal ng 1 oras at 16 minuto. Maagang nakontrol ni Jovic ang laro at hindi na nakabawi ang Filipina player hanggang sa dulo ng laban.

Sa kabila ng pagkatalo, magpapatuloy ang kampanya ni Eala sa grass-court season. Nakatakda siyang sumabak sa Berlin Tennis Open kung saan kabilang siya sa qualifying draw.

Ang kanyang katunggali na si Iva Jovic ay nagpakita ng dominasyon mula simula hanggang wakas upang makapasok sa quarterfinals ng torneo.

--Ads--

Matatandaang bago ang HSBC Championships, maganda ang naging takbo ng kampanya ni Eala. Kamakailan lamang ay nasungkit niya ang kampeonato sa WTA 125 Birmingham Open, at sumunod na lumahok sa WTA 500 tournament kung saan tinalo niya si Zhang Shuai sa iskor na 6-3, 6-2.