--Ads--

Tumaas ng 26.1% ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas noong Marso 2026 at umabot sa $611 milyon mula sa $485 milyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan na nakapagtala ng year-on-year growth ang FDI inflows, na iniuugnay ng mga ekonomista sa mas positibong pananaw ng mga dayuhang mamumuhunan at pagtaas ng equity at intercompany funding flows.

Gayunman, sa kabuuan ng unang tatlong buwan ng taon, bumaba ng 17% ang FDI net inflows sa $1.717 bilyon mula sa $2.068 bilyon sa parehong panahon noong 2025.

Ayon sa BSP, nananatiling matatag ang kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa, partikular sa sektor ng manufacturing, financial services, at real estate.

--Ads--

Inaasahan ng central bank na aabot sa $7.5 bilyon ang kabuuang FDI net inflows para sa taong 2026.