--Ads--

Nagtala ang New York Knicks ng makasaysayang comeback matapos talunin ang San Antonio Spurs, 107-106, sa Game 4 ng NBA Finals at makuha ang 3-1 bentahe sa serye.

Hawak ng Spurs ang malaking kalamangan na 76-49 sa pagtatapos ng first half at umabot pa sa 29 points ang kanilang lamang sa third quarter. Ngunit nagpakita ng matinding determinasyon ang Knicks upang burahin ang agwat at agawin ang panalo sa harap ng kanilang mga tagasuporta sa Madison Square Garden.

Pinangunahan ni Jalen Brunson ang Knicks sa kanyang 36 points, habang si OG Anunoby ang naging bayani ng koponan matapos maipasok ang game-winning tip-in mula sa isang offensive rebound dalawang segundo bago matapos ang laban.

Nagkaroon pa ng isang huling posesyon ang Spurs ngunit nabigo silang makakuha ng maayos na tira, dahilan upang sumabog sa tuwa ang Madison Square Garden at ang libu-libong Knicks fans.

--Ads--

Sa kanyang postgame interview, sinabi ni Anunoby na ginawa lamang niya ang kinakailangan upang manalo ang koponan.

Samantala, binigyang-diin din ng Knicks ang kanilang katatagan at kakayahang bumangon kahit sa harap ng malaking lamang ng kalaban.Ang Game 5 ng NBA Finals ay gaganapin sa araw ng linggo sa homecourt ng San Antonio, kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng Knicks upang makamit ang kampeonato.