Naging kapanapanabik ang pagbubukas ng FIFA world Cup 2026 kung saan umabot sa 48 koponan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nakilahok.
Tampok sa pagbubukas ng palaro ang performances ng iba’t ibang artist na nagbigay ng thrill para sa audience unang sumabak sa opening match ang kuponan ng Mexico at ng south Africa na ginanap sa Mexico City.
Nagtapos ang laban sa score na 2-0 pabor sa Mexico. Nanguna si #16 Julián Quiñones sa unang goal ng Mexico matapos ang mahusay na pasa ni Erik Lira sa 1st half na sinundan ng isa pang goal mula kay Raúl Jiménez sa second half.
Samanatala, inihayag ni sports Analyst Engr. Genaro Lucas jr. Na kapanapanabik ang mga laro ngayon.
Aniya, mas malaki ang pagbabago sa bagong format ng torneo dahil bukod sa top two ng bawat grupo, bibigyan din ng pagkakataon ang ilang best third placers na makapasok sa knockout stage.
Dahil dito, mas nagiging bukas ang laban para sa mga underdog at inaasahang magkakaroon ng mas maraming sorpresa sa mga susunod na yugto ng kompetisyon. Inaasahan din ang matinding laban mula sa mga powerhouse tulad ng Argentina, France, Spain, England, Croatia, at Belgium.
Sentro rin ng atensyon sina Lionel Messi ng Argentina at Kylian Mbappé ng France, habang tampok din ang mga bagong kalahok na bansa gaya ng Jordan at Uzbekistan na sasabak sa kanilang unang World Cup.










