Isang magnitude 7.3 na lindol ang tumama sa katimugang bahagi ng Mexico nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 17, ayon sa ulat ng US Geological Survey (USGS).
Batay sa datos ng USGS, naitala ang sentro ng lindol may 48 kilometro mula sa baybayin ng bayan ng Aquiles Serdán at may lalim na 18 kilometro.
Naramdaman ang malakas na pagyanig sa mga estado ng Chiapas at Oaxaca sa Mexico, pati na rin sa mga karatig-bansa na Guatemala at El Salvador.
Kasunod nito, naglabas ang US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ng tsunami alert para sa ilang lugar sa baybayin ng Pacific Ocean bilang pag-iingat.
Gayunman, nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kaugnay ng naturang lindol.











