--Ads--

Tinambakan ng Canada ang Gilas Pilipinas Women ng 47 points, 96-49, sa FIBA Pre-Olympic Qualifying Tournament sa Guadalajara, Mexico.

Agad na kinontrol ng world No. 7 Canada ang laro matapos umiskor ng siyam na sunod na puntos sa unang quarter, dahilan upang mahirapan ang Gilas Women na makaporma sa opensa at depensa.

Dahil sa pagkatalo, bumagsak sa 0-2 ang Gilas Women sa group stage. Haharapin nila ang Senegal sa Biyernes, ngunit maaari nang ma-eliminate ang Pilipinas kung matalo ang Mexico sa Senegal sa kanilang laro.