Nagtapos sa score na 1-1 tabla ang laban ng Canada at Bosnia and Herzegovina sa kanilang unang match sa Group B ng FIFA World Cup 2026 na ginanap sa Toronto, Canada.
Naunang nakapuntos ang Bosnia sa ika-21 minuto matapos maipasok ni Jovo Lukić ang isang header mula sa corner kick upang kunin ang 1-0 bentahe.
Pumasok naman ang goal mula sa Canada sa ika-79 minuto ng laro sa pangunguna ni Cyle Larin mula sa assist ni Promise David upang maitabla ang iskor sa 1-1.
Nagkaroon pa ng ilang pagkakataon ang Canada upang makuha ang panalo ngunit nanatiling matatag ang depensa ng Bosnia hanggang sa huling sipol ng referee.
Makasaysayan naman ang resulta para sa Canada dahil ito ang kanilang kauna-unahang puntos sa men’s FIFA World Cup matapos mabigong makakuha ng puntos sa kanilang mga kampanya noong 1986 at 2022.
Ang laban ay bahagi ng Group B kung saan kasama rin ang Switzerland at Qatar. Susunod na haharapin ng Canada ang Qatar habang makakatunggali naman ng Bosnia ang Switzerland sa pagpapatuloy ng group stage.








