--Ads--

Asahan ng mga motorista ang panibagong pagtaas sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo, habang magkakaroon naman ng bawas-presyo sa diesel, ayon sa paunang pagtataya ng industriya ng langis.

Batay sa unang apat na araw ng kalakalan ng mga produktong petrolyo sa rehiyon, inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng humigit-kumulang ₱3.50 hanggang ₱4.00 kada litro. Ang pagtatayang ito ay nakabatay sa galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS), na siyang pangunahing batayan ng presyo ng langis sa bansa.

Samantala, inaasahang tataas naman ang presyo ng gasolina ng nasa ₱0.50 hanggang ₱1.00 kada litro, na magpapalawig sa sunod-sunod na pagtaas nito nitong mga nakaraang linggo.

Inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang pinal na price adjustment sa Lunes, Hunyo 15, at ipatutupad ito kinabukasan, Martes.

--Ads--

Ang mga pagbabago sa lokal na presyo ng langis ay kasunod ng pabagu-bagong galaw ng pandaigdigang merkado ng krudo nitong nakaraang linggo.