--Ads--
Bumaba ng ₱3.01 kada litro ang presyo ng diesel, habang tumaas naman ng ₱1.56 ang gasolina at ₱1.77 ang kerosene kasunod ng ipinatupad na oil price adjustment ngayong linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), dulot ito ng mas mababang cargo premium sa diesel at mas mataas na cargo premium sa gasolina at kerosene.
Samantala, iniulat ni Energy Secretary Sharon Garin na noong Oktubre 9, may suplay ang bansa ng diesel na tatagal ng 56 na araw, gasolina na 53 araw, kerosene na 147 araw at LPG na 31 araw.
Tiniyak din ni Garin na patuloy na kumikilos ang DOE upang matugunan ang krisis sa enerhiya sa Visayas at naghahanda na rin sa inaasahang matinding El Niño hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon.
--Ads--










