--Ads--
Nanatiling malabo ang detalye ng bagong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos sa pamumuno ni Pangulong Donald Trump at Iran, kahit tapos na itong pirmahan kamakailan.
Ayon sa ulat, maging ang ilang world leaders na dumalo sa G7 dinner sa Lake Geneva ay walang malinaw na impormasyon tungkol sa laman ng kasunduan, dahil hindi pa ito inilalabas sa publiko.
Magkakasalungat din ang mga pahayag mula sa Washington at Tehran tungkol sa mga detalye ng deal, na umano’y isang pahinang dokumento lamang.
Inaasahang ilalabas ang opisyal na kasunduan sa mga susunod na araw bago ang pormal na signing ceremony sa Switzerland, ngunit wala pang kumpirmadong eksaktong petsa kung kailan ito magiging public document.
--Ads--











